|
Tuesday, October 7, 2008 | 12:26 PM
*Wishful Thinking.
Hay. Wala akong magawa kaya nag-ttype ako ngayon sa Notepad. Haha. Tapos i-ppost ko nalang `to sa weekend pag-uwi ko ng Manila :P Grabe. Parang hindi hell week at nagagawa ko pang mag-blog. Haha. E kasi naman natapos ko na yung Philo paper ko and SocSci autobiography. Tapos tinatamad pa akong mag-aral para sa exam ko sa Thursday. Mamaya nalang. Haha :)) Ayun. Actually napaka-walang kwenta nito. Wala lang talaga akong magawa kaya ko naisipan mag-type ng kung ano-ano :P
Hay. Gusto ko na umuwi. Sobrang gustong gusto ko na. 2 weeks na ako hindi nakakauwi at super miss ko na ang madaming tao. Pero konti nalang talagaaaa. Wednesday na bukas tapos Thursday tapos Friday na! Yay! :> Susunduin ako dito ng parents (and baka mga kapatid) ko sa Friday. Kaso lang baka 8pm pa kasi naman nakakaasar yung SpeechCom e. Yung informative speech namin scheduled sa Friday, 7-9pm. Kamusta naman yun diba. Parang gabi na kasi e. Haha :)) Pero atleast makakauwi na ko. Thank God :D
Hay. Ang dami kong exam this week. Math11 nung Monday tapos SocSci sa Thursday tapos Philo and NatSci sa Friday. Goodluck namaaaan :))
Hay. Sana pumasa ako sa Math11. Sana talaga. Ang hirap naman kasi nung pre-fi exam namin e. Sobrang sabaw lang ako pagtapos nung test. Pero sana mag pay off ang pagpupuyat namin ni Asher, group study namin at syempre naman ang hindi ko pag-uwi ng weekend. Haha. Grabe lang naman ang paghahanda ko para dun :P E kasi namaaan. Ayoko talaga bumagsak sa Math11 at ayoko na yun ulitin. Kahit 3.0 okay na sakin basta matapos ko na agad. Para masaya. Haha :))
Hay. Walang kwenta mga sinasabi ko :))
Hay. Ang saya ko kasi tapos na ang paghihirap ko sa PE ko na bellydancing. Haha. Nag-recital kami nung Friday at define nakakahiya. Ang daming tao tapos kami pa yung unang nag-perform. Grabe talaga. Pero atleast ngayon tapos na siya. At mataas naman siguro grade ko dun. Haha. Sana :) Pero na-realize ko lang, natapos ko yung bellydancing na hindi naman ako pumayat. Lalo nga ako tumaba e. Haha. Imagine-in niyo nalang, nag-recital ako sa harap ng madla na ang laki ng tiyan ko. Hahaha. Putek, hindi na nahiya e no :))
Hay. Nag-treat yung dormmate ko kasi birthday niya sa Thursday. Nagdala siya ngayon ng burger dito sa room ko. Hindi ko naman makain kasi may ketchup. Hahaha. Kawawang bata :))
Hay. Babalik pa ulit ako dito sa Monday dahil may exam pa ako ng 7-9am sa DevCom sa Tuesday. Tapos may small group discussion pa kami sa SpeechCom ng Tuesday din, 6-8pm. O diba, gabi nanaman. Pang-asar kasi mag schedule yung prof namin e. Sarap upakan. Hahaha :)) Gusto ko man umuwi after ng small group discussion, gabi na masayado at hindi ko na kaya umuwi mag-isa. Kaya Wednesday morning ako uuwi. Aagahan ko talaga para masaya :P
Hay. Sana matapos na talaga yung sem. As in wala ng gagawin. As in tapos na tapos na. Para naman makaalis na ko kasama ang napakadaming taong namimiss ko na. Para naman makabisita na ako sa STC. Para naman makapag-pahinga ako at makatulog ng buong araw. Para naman masabi ko man lang sa sarili ko na hindi ako stressed. Haha. Para naman makapag-stay na ako talaga sa bahay at hindi dito sa bundok :P Para naman isang sem nalang makakalipat na ko. Hahaha. Yun naman e :))
Hay. Ang haba na nito at hindi ko naman ma-popost kasi wala naman akong Internet connection dito sa room. Kaya yun, titigilan ko na `to kasi ang walang kwenta lang naman. Haha. Grabe. Random kung random talaga. Yun lang naman. Bbye :P
♥
|