|
Saturday, August 23, 2008 | 12:03 AM
*Isang Daan.
Yeaaah. Hundredth post :D
Grabe. Sobrang nakakapagod ang araw na `to.
Unang una, Philo exam ko kaninang umaga. Okay naman. Madali naman, mahaba nga lang. Sana naman ay makapasa. Tapos nung NatSci namin, kulang nalang maiyak na ko sa takot dahil lesson namin ay about electricity. Duh, may phobia lang kasi ako dun. (Well, sa lahat naman ata ng bagay may phobia ako. Haha.) Tapos mga activity pa namin yung tipong hawak kamay tapos para kaming mga tangang magpapa-electrify. Grabe. Ang sakit kaya. Haha.
Pangalawa, na-stress ako kahapon dahil sa isang freaky na pangyayari. Kasi may classmate ako tapos pinakilala niya ako sa 2 niyang friends. Tapos yung isa bigla na akong tinetext. So thank you naman sa kaklase ko at pinamigay niyo yung number ko diba? Uggh. Tapos hindi ko nirereplyan ever. Kahapon, pagkalabas ko ng classroom, nandun siya kasama yung friends niya. Tapos tinuro ako at lahat sila nakatingin sakin. Shet talaga. Nakakatakot! Mag-isa pa naman ako naglalakad. Tapos bigla siyang nagtext ng nagtext bigla. Ako naman, parang tanga na tumatakbo pauwi. Haha. E malay ko ba kung sundan ako ng mga yun. Haha. K, feeler :))
At pangatlo, first time ko sumakay ng MRT. Oh yeah! :)) Grabe. Matinding paghahanda talaga ang ginawa ko. Kung ano-ano na ang naisip ko katulad nalang ang ma-holdap at baka bigla akong saksakin sa MRT. K, paranoid masyado e :)) So nagbus kami ni Asher papuntang Magallanes. Tapos sumakay na kami ng MRT. Pagka-akyat namin, ang haba na ng pila. Bumili kami na kami ng ticket at pumili sa counter na nakalagay "EXACT FARE". Hindi lang naman ako tanga at nagbayad ako sa guy ng 100. O diba naman? E 15 pesos lang yung pamasahe. Haha. Napikon pa ko sakanya nung binalik niya yung pera ko. K, exact kasi dapat :)) So pumila pa ko ulit e sila Asher at Dixie nandun na sa loob. Syempre first time, hindi ko alam paano i-insert yung card. Sabi nila dun daw sa may arrow. E wala naman akong makita. Haha. Tapos ang tagal bago na-accept yung ticket ko. Sorry naman :)) Okay naman nung nandun na kami sa train. Medyo sumikip sa about 3 stations tapos maluwag na ulet. Bumaba kami ni Asher sa TriNoma tapos diba, i-insert ulit yung card? Hindi na ko natuto. Ang tagal ko pa din dun. Inis na inis na yung mga nasa likod ko. Haha. Pasensya sila, first time ko lang :)) Tapos yun, sinundo na ko ni Papa sa TriNoma at nakauwi na! :)
At ngayon, 12.53 na ng umaga at hindi pa ko tulog. Haha. Hindi, matutulog na pala ako.
Paalam :)
♥
|